TUGUEGARAO CITY- Patay ang isang lalaki matapos umanong matabunan ng gumuhong lupa sa Claveria, Cagayan dahil na sa rin malalakas na buhos ng ulan.
Sinabi ni Rueli Rapsing ng Task Force Cagayan na natabunan ang biktima matapos na ,mabagsakan ng gumuhonng lupa ang kanilang bahay sa Brgy. Magdalena.
Samantala, sinabi ni Rapsing na posibleng madagdagan pa ang nasa 40 households na kanilang inilikas dahil sa mga pagbaha at iba pang landslides habang kasalukuyan pa ang kanilang ginagawang rescue operation.
Sinabi niya na may mga barangay sa ilang bayan sa Cagayan ang binabaha kung saan nitong Huwebes ng umaga ay hanggang dibdib ang baha sa Allacapan.
Kaugnay nito, sinabi ni Rapsing na natagpuan na ang 10 taong gulang na bata na unang missing sa bayan ng Sanchez Mira.
Samantala, sinabi ni Mayor Joan Dunuan ng Baggao na inilikas na nila ang mga residente sa isang sitio sa Assassi dahil sa soil erosion.
Ayon sa kanya, sinking area ang lugar na malapit lamang sa isang eskwelahan doon.
Idinagdag pa ni Dunuan na suspended na rin ang pasok sa mga paaralan at opisina ngayong araw sa kanilang bayan dahil sa walang madaanan papunta sa ibang lugar matapos na malubog sa baha ang mga tulay.
Isasailalim din aniya sa forced evacuation ang mga residente na nasa landslide at erosion prone areas upang matiyak ang kanilang kaligtasan.