ILOILO CITY- Isa ang patay at apat ang patuloy na ginagamot sa ospital matapos tamaan ng kidlat ang magkamag-anak sa Sitio Luawan, Brgy. San Carlos, Anilao, Iloilo.
Binawian ng buhay si Rey Velarde, 47, residente ng Barangay Sambag, Barotac Viejo Iloilo samantalang nagtamo naman ng mga paso sa katawan sina Lorenze Daquiado, 31; Laurence Daquiado, 27; John Paul Taldelore, 24; at isang pitong taong gulang na bata.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Rouel Avenido,residente sa lugar, sinabi nito na nag-iinuman umano ang ila sa mga biktima sa isang kubo sa lugar nang tumama ang kidlat.
bago ang insidente,bumili pa umano sa kanilang tindahan ang mga biktima.
Napag-alaman na kamakailan lang tatlo ang patay at siyam ang sugatan matapos na tinamaan ng kidlat habang sumisilong sa isang barong-barong sa Sitio Giragid, Brgy. Magdalo, Banate na katabing bayan lang ng Anilao.