BUTUAN CITY – Nakita na ang isang survivor sa 20 mga tripulante ng barge na sumadsad sa baybayin ng Brgy. Cantapoy, sa bayan ng Malimono Surigao del Norte nitong nakaarang araw dahil sa bagyong Bising.
Nakilala ang survivor na si Noli Labucay ,nakatira sa Iligan City, 24-anyos, na napadpad sa baybayin ng Purok 2, Barangay Cayawan, sa nasabing lugar.
Nanatili na muna ngayon sa pangangalaga ng Malimono District Hospital si Labucay at hinahanapan na rin ng contact ang pamilya nito.
Maalalang, inabanduna ng 20 mga tripulante ang LCT Cebu Great Ocean matapos paghahampasin ito ng malalaking alon sa kasagsagan ng bagyong Bising hanggang sa mapadpad nga ito sa baybayin ng Brgy. Cantapoy,Malimono Surigao del Norte.
Nagpapatuloy rin ang search and rescue operations ng Philippine Coast Guard-Surigao del Norte sa iba pang kasamhan ni.Labucay.
Nabatid na ang nasabing barge ay pagmamayari ni Harold Tan ng Inter-East Shipping and Lighterage Corporation na nag-kakargaa aniya ng nickel ore mula sa minahan sa Tubay, Agusan del Norte.