-- Advertisements --
drowned student

DAGUPAN CITY – Nahanap na ang bangkay ng isa sa apat na Criminology students na nalunod sa lungsod ng Dagupan.

Nabatid na natagpuan ito sa karagatang bahagi ng Barangay Pugaro sa lungsod, ng isang mangingisda na si Robet Cabrera na siyang residete sa lugar.

Ayon kay Cabrera, dakong-alas singko kahapon nang makita niya ang bangkay na nakatihaya sa pampang kung kaya’t agad niyang nilapitan.

Kaagad naman siyang humingi ng tulong sa mga taong naroroon sa lugar.

Ayon naman kay Ryan Narvaza, residente sa lugar na kasama ni Cabrera na nag -ahon sa bangkay, pagkakita sa biktima ay agad nilang nilapitan pero wala nang buhay.

Nagtulong tulong aniya silang mga naroong mga tao para ito ay maiahon sa tubig.

Nabatid na naimbita ang apat na biktima sa isang pagtitipon sa isang subdivision at nagkaroon ng kasiyahan sa pamamagitan ng paglangoy.

Dito na nalunod ang apat na estudyante kung saan isa ang agad na nasawi habang naisugod sa pagamutan ang isa habang dalawa ang nawawala.

Ngunit madaling araw kahapon ay natagpuan naman ang bangkay ng isa sa mga nawawalang biktima habang alas-singko na ng hapon kahapon nahanap ang ikaapat na biktima.