-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Naniniwala si MGen. Laurence Mina, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army na pagmamay-ari ng kanyang pamangking sundalo na nasawi sa sagupaan ang isa sa mga armas na isinuko ng apat na rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan.
Sinabi ni MGen. Mina na namatay sa sagupaang naganap sa Mabbayad, Echague, Isabela noong 2013 ang kanyang pamangkin na noo’y isang Corporal.
Desidido siyang malaman kung ang isa sa walong high powered firearms na isinuko ng apat na rebelde na sumuko sa Peñablanca, Cagayan ay ang naka-isyu sa kanyang nasawing pamangkin.
Isasailalim sa ilan pang serye ng pagsusuri ang mga baril na isinuko ng mga rebelde upang matukoy kung nasa maayos na kondisyon bago muling mapakinabangan ng pamahalaan.