Kinumpirma ng kapatid ng pinaslang na mamamahayag na si Percy Lapid na pumayag ng tumestigo ang isa sa akusado sa Lapid slay case.
Ayon sa beteranong mamamahayag na si Roy Mabasa, tinawagan siya ng prosecutor mula sa Department of Justice at sinabing pumayag ng tumestigo ang isa sa mga akusado sa kaso na si Christopher Bacoto.
Naniniwala naman si Mabasa na mas magiging malakas ang kaso sa testimoniya ng akusado na may kaugnayan sa gunman.
Ayon kay Mabasa, si Bacoto ay ti-nag bilang middleman na naghanap sa gunman para patumbahin si Percy Lapid noong Oktubre 3, 2022 sa Las Piñas City.
Sa kasalukuyan aniya, nakakulong si Bacoto dahil sa na-commit niyang mga krimen kabilang ang drug trafficking.
Nakabinbin naman ang inihaing murder case sa Las Piñas RTC kung saan isa nga si dating BuCor Director General Gerald Bantag ang akusado sa kaso at umano’y utak sa pagpatay. Nananatiling pugante sa batas si Bantag na may existing arrest order mula sa korte.