-- Advertisements --

COTABATO CITY — Ang nakatakda sanang pagiisang dibdib ng magsing irog na sina Pvt. Jessie James Corpuz at ang nobya nitong si Irith Rose Almirante sa susunod na taon ay hindi na matutuloy at magiging pangarap na lamang.
Ito ay matapos na masawi si Pvt. Corpuz sa Datu Hoffer ambush, linggo ng umaga.

Sa panayam sa nobya nito na si Irith Rose, sinabi nya na noong enero pa namanhikan ang kanyang nobyo sa kanyang pamilya at nangako na ito na magpapakasal na sila sa 2025, dalawang taon naging magkasintahan at di nagkaroon ng pagaaway o problema sa isa’t isa.
Ang dalawa ay pawang na taga siyudad ng Cotabato

Dagdag ni Almirante, plano na ni Corpuz na suutin ang GOA uniform sa kanilang kasal ngunit sa burol na pala nito isinuot dahilan upang maging malungkot pa ito lalo.

Ayon pa din kay Almirante, nakalulungkot na noong nakaraang taon, ang kanilang anak na ipinagdadalang tao nito ang kinuha at ngayong taon naman, ang kanyang kabiyak ang namatay.
Sa ngayon, hustisya ang sigaw ni Almirante sa di makatuwirang pagkamatay ng kanyang nobyo.

Matatandaan na isa si Corpuz sa mga napatay ng rebeldeng terorista matapos na ito ay tambangan sa Datu Hoffer noong nakaraang linggo.