-- Advertisements --
Patay sa plane crash ang isa sa bagong astronaut ng Blue Origin na si Glen de Vries.
Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng Dassault Systemes ang kung saan vice chairman of life sciences and healthcare si Vries.
Ayon sa New Jersey State Police na bumagsak ang Cessna 172 na eroplano na sinakyan ni Vries sa mga makahoy na lugar sa bayan Hampton.
Patuloy na nagsasagawa ang National Transportation Safety Board sa pagbagsak ng four-seat airplane.
Kasama nito ang 54-anyos na si Thomas P. Fischer.
Magugunitang kasama ang 49-anyos na si Vries sa paglipad Blue Origin sa kalawakan na pinangunahan noon ng actor na si William Shatner noong Oktubre.