-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Mariing tinututulan ng isa sa mga may akda ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) law ang kautusan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ipasailalim sa warrantless arrest ang halos 2,000 heinous crime convicts na nakabenepisyo sa naturang batas.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na kailangang maghain sa korte ng motion to re-arrest upang makapaglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa mga pinalayang suspets.

Ayon sa mambabatas hindi makatarungan na huhulihin na lamang na walang warrant ang mga nakinabang sa GCTA law lalo na’t ang Bureau of Corrections (BuCor) naman ang may mali sa pagbigay sa kanila ng kalayaan.