-- Advertisements --
centennial tree agusan

BUTUAN CITY – Inirekomenda ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Caraga ang pagputol sa Centennial Toog tree sa Brgy. Alegria bayan ng San Francisco, lalawigan ng Agusan del Sur.

Ito ay dahil delikado na ito sa nasabing lugar lalo na sa mga taong naninirahan sa paligid nito.

Ang naturang kahoy ay isa sa pinakamalaking kahoy ng bansa na ginawang atraksyon sa naturang bayan at kinilala naman ng Department of Tourism.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Jerome Albia ng CENRO-Bunawan na makikipagtagpo pa sila sa mga opisyal sa bayan ng San Francisco at sa lokal na pamahalaan ng Agusan del Sur.

Inihayag ng opisyal na base sa isinagawang bio-mechanics and structural analysis sa kanilang research department, nalaman na ang punong may 50-metro ang taas ay may ground cavity na delikado sakaling matumba lalo na kung malakas ang ihip ng hangin.

centennial tree agusan del sur

Dagdag pa ng opisyal, noon ay inalagaan pa ng tree surgeon ang cavity nito upang ma-save lamang ngunit lumala na ng lumala sa paglipas ng panahon kung kaya’t delikado na ito sa mga taong nasa paligid nito.