-- Advertisements --
family sea tragedy iloilo guimaras

ILOILO CITY – Hindi napigilan ni Christy Segovia na maging emosyonal habang tinatanggap ang financial assistance galing sa OVY Foundation at Ceres Liner sa pamamagitan ng Bombo Radyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Segovia na kapatid ng biktimang si Claire Faith Segovia ng Guimaras, sinabi nito na lubos siyang nagpapasalamat sa tulong na ibinigay sa kanilang pamilya.

Ayon kay Segovia, kahit papaano ay naibsan ang lungkot ng kanilang pamilya dahil sa nangyari kay Claire Faith na isa sa mga pasahero ng MB Chi-Chi.

Inihayag ni Segovia na isang mabuting kapatid si Claire Fiath na nagpoproseso noon ng kanyang dukomento upang makapagtrabaho abroad ng mangyari ang trahedya.

Kung mabilis ang rescue operations ayon kay Segovia, marami pa sana ang survivor.

Gusto rin ni Segovia na maparusahan ang sino mang may pananagutan sa insidente.