-- Advertisements --

Ibinunyag ng Israeli Military na kanilang napatay ang isa sa mga pinuno ng Hamas group.

Isinagawa ng Israel ang pag-atake sa Jenin kung saan nabaril nila si Wissam Khazem.

Nagsagawa rin sila ng airstrike at tinamaan ang dalawang kasamahan na nagtangkang tumakas.

Sa loob lamang ng isang araw ay tatlong mga napatay nila sa bayan ng Zababdeh.
Magkakasunod na narinig ang putukan at pagsabog sa loob ng Jenin kung saan sinusuyod ng Israel forces ang mga kuta ng mga Hamas.

Mula ng simulan ng Israel ang pag-lusob sa West Bank ay umabot na sa 19 na katao ang nasawi.