-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na nakompromiso ang isa sa kanilang online platform na X.

Ito nga ay matapos na mapaulat ang biglang pagkawala ng lahat ng nilalaman na content ng naturang online platform ng PCG kaninang umaga.

Kapansin-pansin din na bagama’t nawala ang mga content ng PCG sa naturang online platform ay nanantili pa rin “like” reactions nito na karamihan ay nagmula sa isang partikular na account na nagpo-promote ng cryptocurrency.

Samantala, agad na inireport ng PCG ang insidente na ito sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng X Support Team kung saan bandang alas-11:30am ng muli ring nabawi ng PCG ang access sa kanilang official X account.

Kasabay nito ay tiniyak din ng pamunuan ng PCG na mas pinagtibay din nila ang kanilang security measures sa pagprotekta sa kanilang mga account laban sa anumang uri ng security breaches.