-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY- Nasa kustudiya na ng Alabel Police Station si Albert Cagang, isa sa mga opisyal sa investment scam ng Alabel Maasim Credit Cooperative (ALAMCCO).
Ayon pa kay P/Lt. Col. Jennifer Molina, chief of police ng Alabel Municipal Police Station na naarestp si Cagang ng mga otoridad ng Leyte.
Si Cagang ay nahaharap sa kasong syndicated estafa na may criminal case number 01627-20 na inisyu ng korte ng Ababel, Sarangani Province.
Napag-alaman na walang pyansa na inirekomenda ang korte para sa kanyang kalayaan.
Kung matatandaan na libu-libo na mga miembro ng ALAMCCO ang nabiktima ng naturang investment scam na nag-o-offer ng 35% na tubo sa kanilang pera.