-- Advertisements --

Naglabas ng isang resolution ang dibisyon ng Commission on Election (Comelec) na nagbabasura sa petisyon na nadedeklara kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr bilang nuisance candidate sa 2022 election.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, hindi kinatigan ng ikalawang dibisyon ng komiyson ang inihaing petsiyon ni Danilo Lihaylihay.

Nilagdaan nina Comelec Second Division Presiding Commissioner Socorro Inting at Commissioner Antonio Kho Jr.ang naturang resolution na nagbabalewala sa petisyon ni Lihaylihay.

Ang naturang petisyon ay isa lamang sa ilan pang reklamo na reresolbahin ng Comelec.

Magugunitang isa si Marcos sa mga presidential aspirants at kaniyang runningmate ang presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte at siyang standard bearer naman ng Partido Federal ng Pilipinas.