-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) na kanilang naaresto ang isa sa mga opisyal ng pulis na nasangkot sa kontrobersyal na P6.7 bilyon na drug case sa Maynila noong 2022.

Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, na kinilala ang police officer na si Police Staff Sergeant Arnold Tibay.

Naaresto si Tibay ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) noong Enero 31.

Siya ang isa sa apat na aktibo at nagtatago ng nakatalaga sa Southern Police District.

Nasa kustodiya na siya ngayon ng District Special Operations Unit ng CIDG.

Sa kasalukuyan ay mayroon pang walong pinaghahanap sa pangunguna ni General Narciso Domingo kung saan patuloy ang kanilang panawagan na sumuko na lamang.

Magugunitang noong Enero 15 ng inatasan ng Manila Regional Trial Court (RTC) ang pag-aresto sa 29 kapulisan na inakusahan na pinaglaruan ang prosekusyon mahulian umano ito ng 990 kilo ng drug bust sa Tondo noong Oktubre 2022.

Ang nasabing droga ay natagpuan sa establishimento na pag-aari ni Police Master Sergeant Rodolfo Mayo ang intelligence officer ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG).

Pinalabas umano ng grupo na naaresto nila si Mayo matapos ang ilang araw sa may tulay na nagpapakita na nais nilang tanggalin sa kaso ito.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 21 aktibo at dating police officers ang naaresto na may kinalaman sa nasabing kaso.