-- Advertisements --

Nakatakdang ibenta sa auction ang isa sa mga huling sculptural works ni Dr. Jose Rizal .

Ang sculpture ay tinawag na “Josephine Sleeping” na ito ay inihulma sa asawa ni Rizal na si Josephine Bracken.

Ibebenta ito sa lungsod ng Makati sa darating na Nobyembre 30 sa Kingly Treasure Auction 2024.

Ang starting price nito ay magsisimula sa P7 milyon.

Ayon kay Jaime Ponce de Leon na ang art director ng Leon Gallery na ang sculpture ay inilagay na ilagay sa auction ng mga natitirang kaanak ni Narcisa Rizal ang kapatid ng pambansang bayani.

Ito ay pirmado ni Rizal at isa sa mga art pieces na dokumentado.