-- Advertisements --

Pansamantalang nakalaya na ang isa sa mga dating US police officers na kinasuhan sa pagpatay sa black American na si George Floyd.

Nagpiyansa ng nasa $1 million na bond para pansamantalang makalaya si Derek Chauvin.

Si Chauvin kasi ang nag-video habang dinadaganan ng tuhod ng kasamahan nito ang leeg ni Floyd noong Mayo 25.

Magugunitang nagdulot ng malawakang kilos protesta ang pagpatay kay Floyd.

Isa si Chauvin sa apat na mga suspek na sinampahan ng kaso dahil sa pagpatay kay Floyd sa Minneapolis, Minnesota.