Nasa kustodiya na ngayon ng Philippine Army, 10th Infantry Division ang isa sa mga suspek sa Yvonne Chua Plaza Murder Case.
Kinilala ang suspek na si Private First Class Rolly (PFC) Cabal na dati nang nawala o naiulat na ‘nawawala’ matapos mag-awol o ‘absent without official leave’.
Ayon sa mga awtoridad, nasa probinsya lamang ng Davao de Oro si Cabal kung saan ito nagtatago dahil sa takot na ipinatawag sila sa board of inquiry.
Batay sa impormasyon, boluntaryo siyang dumulog sa 10th Infantry Division na narumesulta sa walang humpay na koordinasyon ng mga awtoridad.
Makipagtulungan din umano ang sundalo sa imbestigasyon hinggil sa Special Investigation Task Group Plaza o SITG Plaza.
Si Private First Class Cabal ang pang-apat sa mga suspek na nasa kustodiya na ngayon ng Philippine Army. Kung matatandaan, kinumpirma rin ng 10th ID noong Enero ng taong ito na nasa kanilang tanggapan na ang tatlong suspek sa Plaza Murder Case na sina SSg Gilbert Plaza; Sgt. Delfin Sialsa Jr.; at Cpl Adrian Cachero.
Samantala, patuloy parin na tinutugis ang isa sa mga “at large” na suspek na si PFC Romart Longakit, na sinasabing dinukot.