-- Advertisements --

Binigyang-diin ng isa sa 11 suspek sa pagkamatay ng flight attendant sa Makati na walang naganap na rape noong sabay-sabay nilang sinalubong ang bagong taon.

Ayon kay Gregorio De Guzman, anak ni Claire Dela Fuente, na hindi kailanman niya magagawang gahasain ang kaniyang kaibigan dahil siya ay isang bakla.

Kahit kailan daw ay hindi pa nito nararanasang makipagtalik sa babae.

Pagbabahagi ni de Guzman, masayang-masaya pa raw ang 23-anyos na si Christine Dacera noong sinalubong ng kanilang grupo ang bagong taon sa City Garden Grand Hotel sa Makati.

Nag-perform pa raw ito ng Cardiopulmonary Resuscitation (CPR) sa kaniyang kaibigan noong matagpuan nila itong wala ng malay sa bath tub ng tinutuluyang hotel room.

Sinabi pa ni de Guzman na anim o walo sa kanilang mga kasama noong gabi na iyon ay puro rin mga bakla kaya imposible na gahasain si Dacera.

Si de Guzman ay isa lamang sa 11 suspek na iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad at nahaharap sa kasong rape with homicide na isinampa ng Makati City Police.