-- Advertisements --

Pumanaw na ang isa sa 12 binatilyong football player na nailigtas sa binahang kuweba sa Thailand noong 2018.

Si Duangphet Phromthep ay binawian ng buhay habang ito ay naaksidente sa United Kingdom.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang mga kaanak nito kung ano ang sanhi ng kaniyang kamatayan.

Naka-enroll kasi si Phromthep sa soccer academy sa Leicestershire, England.

Labis na ikinalungkot ng Zico Foundation ang tumulong sa binatilyo na makapag-aral sa England ng mabalitaan ang pangyayari.

Si Phromthep ang team captain ng Wild Boars youth soccer team ay nailigtas matapos na ma-trap sa binahang kuweba sa Chiang province noong 2018.

Kasama ng 12-kabataan ang kanilang coach na ni-rescue matapos ang halos tatlong linggong pananatili sa loob ng kuweba.