-- Advertisements --

BAGUIO CITY-Arestado na ang isa sa mga Top Most Wanted Person sa Cordillera Administrative Region.

Nakilala itong si Allan Formaran Laroco, 46-anyos, isang welding sales representative.

Naaresto ito sa kanyang boarding house sa Sta Quiteria, Caloocan City sa pamamagitan ng pinaghalong pwersa ng Regional Intelligence Unit, Regional Intelligence Division at Criminal Intelligence Unit ng Police Regional Office-Cordillera at mga kasapi ng Station 7 ng Baguio City Police Office.

Ayon sa pulisya, may kasong pagpatay si Laroco dito sa Baguio City.

Napag-alaman ng Bombo Radyo na isa si Laroco sa 14 na Top Most Wanted Person sa rehiyon dahil sa mga mararahas nitong ginawa.