DAVAO CITY – Ibinunyag ng Special Invesitagion Group Bragas o SITG Bragas na merong isang tumestigo sa nangyaring insidente sa pag-gahasa at pagpatay ni Arch. Vlanche Marie Bragas.
Ito ang sinabi ng city director ng Davao city Police Office at ang commander ng SITG Bragas na si PCol. Alberto Lupaz, na ayon sa isang witness, merong isang bao-bao o trike bike ang huminto sa harap ni Bragas at sinakyan ito, kung saan minamaneho ito ng suspek na nasa hustong gulang, bago pa ito pinatay noong Mayo 18.
Dagdag pa ng opisyal, kung plastado na ang salaysay ng saksi at mga dokumento nito, nakatakdang sampahan ng kasong rape with homicide ang mga suspek na responsable sa pagkamatay sa 28- anyos na arkitekto.
Ibinunyag din ng opisyal na walang nakitang fingerprints sa pinangyarihan ng krimen.
Siniguro naman ng opisyal, na magbibigay ito ng karagdagang detalye sa maging resulta ng imbestigasyon sa SITG Bragas ngayong Biyernes o Sabado.
Sa kabilang dako, wala pang pahayag ang SITG, kaugnay ng pagkakaaresto kay Renato Bayansao alyas Empoy na pinaniniwalaang isa sa mga persons of interest na naaresto sa buy-bust operation ng NBI 11 noong nakaraang linggo. Samantala, kasalukuyan ding tinututukan ng SITG Bragas ang kasong abduction sa mga tawong itinuturong person of interest sa Calinan, Davao City.