Pumanaw na ang isa sa miyembro ng pop-opera group na II Divo na si Carlos Marin sa edad 53.
Kinumpirma ito ng sikat na quartet sa kanilang social media.
Inalala ng kaniyang kasamahan sa grupo na sina David Miller, Sebastian Izambard at Urs Buhler.
Isa umanong baritone na mayroong magandang kaluluwa si Marin.
May nakatakda pa sanang mga concerts ang grupo sa United Kingdom ngayong buwan subalit hindi na itinuloy dahil sa pagkakasakit ni Marin.
Hindi naman binanggit ng grupo kung ano sanhi ng kamatayan ng nabanggit na singer.
Isinilang sa Germany si Marin at ito ay lumaki sa Madrid na isa sa founding members ng II Divo na ang ibig sabihin ay “divine male performer” sa Italian.
Itinaguyod ni Simon Cowell ang grupo noong 2003 sa ilalim ng SyCo record label.
Noong 2006 ay napili silang kumanta ng FIFA World Cup “The Time of Our Lives” kasama ang R&B singer na si Toni Braxton.
Ikinasal siya sa French-born singer na si Geraldine Larrosa o kilala bilang si Innocence hanggang 2009.