-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Tinupok ng apoy ang isa sa mga naiwang landmark na 67 taong gulang na Jose Catolico Puriculture Center matapos may pumutok sa itaas na bahagi na nagresulta sa paglamon ng apoy.

Gawa sa kahoy ang nasabing istruktura na naging sentro dahil abot kaya sa mga buntis sa araw ng kanilang pagsilang.

Kahit malapit lamang ito sa Bureau of Fire protection at nasa likurang bahagi ng City Hall madali lamang itong natupok.

Hinde pa man alam ang pinagmulan ng sunog subalit naging paksa sa sesyon ngayong araw sa Konseho nitong lungsod sa posebilidad na mapatindig muli ang nasabing landmark.

Kaagad namang nailipat sa hospital ang isang buntis at dalawang bagong panganak na pasyente.

Una ng sinabi ni Maila Ismael, isa sa mga midwife na pasado 2am nangyari ang sunog sa dalawang palapag.

Nasa kalahating milyon peso naman ang danyos sa sunog.