-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Isa palang deputy Brigade comander sa Moro National Liberation Front ng mga Highlander ang isa sa namatay na tauhan ni Joel Apolinario ng Kabus Padatuon.

Ito ang sinabi ni Cesar Dialoding , Comander ng MNLF highlander na kanyang deputy ang anak na ni Denize Dialoding .

Nakapasok umano ito sa KAPA nuong Enero ng kinuha ng kapatid na close in body guard ni Apolinario na isa rin sa nahuli sa Lingig, Surigao del Sur encounter.

Dagdag nito na kagabi narinig ng maybahay nito sa Bombo Radyo ang pangalan ni Denise na isa sa namatay sa encounter.

Bilang ama matagal na umano itong sinabihan ang mga anak na hindi maganda ang maghawak ng baril dahil 40 taon itong naging fighter ng MNLF Nur Misuari faction.

Hiling lang nito sa mga sundalo na maibalik sa Sarangani ang bangkay ng anak para mabigyan ng marangal na libing.

Tanggap na nito ang sinapit ng anak gayong wala itong kinimkim na galit sa kanino man.