Namataang dumaan ang isa sa dalawang pinakamalaking fisheries research vessels ng China sa katubigan ng Pilipinas.
Sinabi ni US maritime security expert Ray Powell sa kaniyang X account na bandang alas-8:19 ng umaga nitong Lunes, Pebrero 10, namataan ang Lan Hai 101 sa may Sulu Sea.
Habang ang kasama nito na Lan Hai 201 ay patuloy sa pagsasagawa ng survey sa Arabian Sea.
Iniulat din ni Powell dakong hapon ay namataang lumiko pa-norte ang Lan Hai 101. Sumama ito sa shipping lane na dumadaan sa archipelagic waters ng Pilipinas mula sa Celebes Sea.
Palaisipan naman Kay Powell kung bakit nagmula ang naturang barko ng China doon gayong kung nanatili aniya ito sa kanluran ng Palawan ay mas direktang ruta ito pa-hilaga.
Base sa ibinahaging datos ni Powell ang Lan Hai 101 ay may habang 85 km at may lapad na 15 meters at naglayag sa katamtamang bilis na 11 knots.