-- Advertisements --

Nakatakdang buksan ngayong araw ng Biyernes, Mayo 7 ng Pasay City government ang isa sa pinakamalaking vaccination sites sa bansa.

Sinabi ni Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano na ang Giga Vaccination Center na matatagpuan sa SM Mall of Asia ay kayang mag-accomodate ng 2,000 katao kada isang araw.

Target kasi ng lungsod na mabakunahan ang nasa 14,000 katao kada linggo para mapabilis ang tinatawag na herd immunity.

Mayroon ng 500 na mga senior citizens ang mauunang mabakunahan sa nasabing lugar.