CENTRAL MINDANAO – Boluntaryong sumuko ang isang mamamahayag sa pulisya na isinangkot sa pagpaslang sa brodkaster sa Kidapawan City na si Eduardo ”Ed” Dizon.
Bago pa man isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest kay Jun Jacolbe ay sumuko na ito nitong umaga sa Kidapawan City PNP.
Sina Jacolbe, Bong Encarnacion at Junell Gerozaga ay nahaharap sa mga kasong pagpatay sa komentarista na si Dizon.
Ang warrant of arrest ay inilabas makalipas ang 15 araw pagkatapos matanggap ng Office of the clerk of Court ng Regional Trial Court (RTC-12) sa Kidapawan City at na-raffle sa sala ni Judge Henelinda Molina Diaz sa Branch 61.
Sa ngayon ay si Jacolbe pa lamang ang sumuko habang nakatakdang isilbi ang order de aresto kina Encarnacion at Gerozaga.
Una nang pinabulaanan ni Jacolbe at Encarnacion na wala silang kinalaman sa pagpaslang sa biktima.