-- Advertisements --

Naaresto ang isa sa mga suspek sa pagpatay sa journalist na si Jamal Khashoggi.

Si Khaled Aedh Al-Otaibi ay naaresto sa Charles-de-Gaulle airport sa France.

Isa si Khaled sa 26 Saudis ang pinaghahanap ng Turkey dahil sa pagpatay sa journalist.

Nakakulong na ngayon ang 33-anyos na dating royal guard ng Saudi.

Magugunitang pinatay si Khashoggi na kilalang kritiko ng gobyerno ng Riyadh habang ito ay nasa Saudi consulate sa Istanbul noong Oktubre 2018.

Base sa imbestigasyon na pinatay ng grupo ng mga agents base na rin sa kautusan ng nakakataas na opisyal.