Lumalabas sa isang pag-aaral na isinagawa ng Social Weather Stations , isa sa tatlong pamilyang Pilipino ang gumagamit ng bisikleta.
Ang naturang survey ay nagpapakita na sa sampung milyon o katumbas ng 36% ng mga kabahayan sa buong bansa ay may hindi bababa sa isang miyembro ang gumagamit nito.
Mula noong April 2022, naitala ang 7.3 milyon o 29% na bilang ng mga bicycle user sa bansa habang naitala naman ang 6.2 milyon o 24% noong May 2021.
Sinasabi sa survey ng SWS, humigit kumulang 7.5 milyong Filipino Households o 27% ang gumagamit ng bike para sa recreational activities habang 6.7 million naman o 24% ang gumagamit nito para sa mga pangunahing aktibidad.
Batay rin sa pag-aaral, mas malaki ang bilang ng mga Pilipinong nag-mamay-ari ng biskeleta kumpara sa mga may kotse.
Ang Survey ay ginawa mula March 26 hanggang 29 sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 indibidwal na nasa tamang edad sa buong bansa.