-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang isang katao matapos masunog ang isang bahay sa Calauag, Naga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Isko Princesa, anak ng may-ari ng naturang bahay, sinabi nitong na nagising na lamang siya matapos maramdaman ang init sa loob ng bahay at doon na niya nadiskubreng malaki na ang sunog.

Kaugnay nito, agad na tumakbo si Princesa ngunit nagtamo pa rin ng sunog sa kaniyang braso.

Pasalamat naman si Princesa na nakalabas agad ang dalawang pamangkin nang sumiklab ang sunog.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.