CAUAYAN CITY- Naitala ngayong araw ang mahigit dalawang daang bagong kaso ng COVID-19 sa Isabela.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, 221 ang bagong kaso ngayong araw, 223 ang gumaling at labing isa naman ang nasawi.
Sa mga bagong kaso ay nangunguna ang lunsod ng Cauayan na may 53, Santiago City na may 38, Tumauini na may 23, labing lima sa San Manuel, labing apat sa Dinapigue, tig-labing isa sa Cabagan at Echague, walo sa lunsod ng Ilagan, pito sa San Agustin, tig-aanim sa Sto. Tomas at Sta. Maria, tig-lilima sa San Mateo at San Pablo, apat sa Jones, tig-dadalawa sa Reina Mercedes, Quirino, Quezon, Aurora at Angadanan habang tig-iisa sa Benito Soliven, Burgos, Cabatuan, Naguilian at San Guillermo.
Dahil dito, umabot na sa 21,426 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa Isabela, 18,790 ang gumaling, 1,995 ang aktibong kaso at 641 ang nasawi.
Sa naturang datos ay ang lunsod ng Cauayan pa rin ang may pinakamaraming aktibong kaso na may 243, sumunod ang Tumauini na may 120, lunsod ng Santiago na 118, Cabagan na may 110, Ramon na may 108 at Dinapigue na may 102.