CAUAYAN CITY- Nakapagtala ng isang daan at 89 na panibagong kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang buong Lalawigan ng Isabela mula sa 22 bayan sa Isabela
Sa kasalukuyan may 2,348 province wide active cases na ang buong Isabela, mula rito 19,564 ang accumulative cases mula ng magsimula ang pandemya.
Umabot na sa 551 ang COVID-19 related deaths matapos maitala ang walong panibagong covid death.
Sa kabila ng mga panibagong kaso sumipa na sa 16,665 ang kabuuang recoveries kung saan 254 ang newly recovered.
Batay sa talaan ng Provincial Information Office (PIO) nangunguna pa rin ang lunsod ng Santiago na may 29 na panibagong kaso.
Sinundan ng bayan ng Gamu na may 28, lunsod ng Cauayan na may 20, Aurora na may 19, bayan ng Jones at Roxas na may 17.
Mababa naman ang naitala ang naitalang panibagong kaso sa mga bayan ng Cabatuan na may siyam, Cordon na may walo, San Agustin na may pito, Echague na may anim, Alicia, Burgos at Cabagan na may Tig-lima,Naguilian na may tatlo, Angadanan, San Mateo, Santo Tomas at San Mariano na may tig-dalawa kaso habang may tig-iisang kaso ang Mallig, Ramon at San Manuel.
Hindi naman nakapagtala ng kaso ng COVID-19 ang 16 na bayan at Lunsod tulad Benito Soliven, Delfin Albano, Dinapigue, Divilacan, Ilagan City ,Luna, Macunacon, Palanan, Quezon, Quirino, Reina Mercedes, San Guillermo, San Isidro, San Pablo, Sta. Maria at Tumauini.