-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Naitala ngayong araw sa Isabela ang 199 na panibagong kaso ng COVID-19 habang apatnaput anim naman ang naidagdag sa mga gumaling.

Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, pinakamarami pa rin ang lunsod ng Santiago na may 85, Jones na 20, Roxas na 19 , San Mateo na 8, Lunsod ng Cauayan na 7, tig-aanim sa Echague, Ilagan City, San Isidro at Cordon, 5 sa Cabatuan, tig-tatatlo sa Aurora, Gamu, Alicia, Mallig at Tumauini, tig-dadalawa sa Angadanan, Luna, Naguillian at San Agustin at tig-isa sa Burgos, Cabagan, Divilacan, Quirino, Ramon, San Manuel, Santa Maria at Reina Mercedes.

Sa ngayon ay umabot na sa 8,592 ang tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela, 6,836 ang gumaling, 1,575 ang aktibong kaso at 181 ang nasawi.

Sa mga aktibong kaso ay isa ang Returning Overseas Filipino, 14 ang locally stranded individuals, 170 ang Health Workers, apatnapu’t isa ang pulis at 1,349 ang mula sa local transmission.

Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan para makaiwas sa virus.