-- Advertisements --
image 312

Niyanig ng 5.6 magnitude na lindol ang karagatan sa lalawigan ng Isabela alas-5:19 ng hapon ayon sa state seismology bureau Phivolcs.

Sinabi ng Phivolcs na tumama ang pagyanig sa layong 18 kilometro hilagang-silangan ng bayan ng Maconacon, na may lalim na 55 kilometro.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol.

Naiulat naman ang mga sumusunod na instrumental intensity:

Intensity V

  • Penablanca, Cagayan

Intensity IV

  • Gonzaga, Cagayan

Intensity III

  • Ilagan, Isabela

Intensity II
-Casiguran, Aurora

  • Batac, Pasuquin, at Laoag City, Ilocos Norte
  • Santiago City, Isabela,
  • Tabuk, Kalinga
  • Madella, Quirino

Intensity I

  • Bangued, Abra
  • Baler at Diapaculao, Aurora
  • Vigan City at Sinait, Ilocos Sur
  • Bayombong, Nueva Vizcaya

Inaasahan naman ang mga aftershocks mula sa pagyanig, samantala wala namang naiulat na pinsala ayon sa Phivolcs.