-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Nagpatawag na ng emergency meeting ang provincial government ng Isabela kasabay ng inaasahang paglapit pa ng bagyong Ramon sa weekend.
Pinangunahan ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ang pulong kasama ang mga opisyal mula sa hanay ng militar, pulisya, local government units, bumbero, at Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration.
Ilan sa mga unang natalakay sa meeting ang monitoring sa latest forecast ng bagyo, gayundin ang kanselasyon ng mga klase.
Kaugnay nito ay tiniyak naman ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang kahandaan sakaling manalasa ang bagyong Ramon.