-- Advertisements --
Kaagad nang binura ni Isabelle Daza ang larawan nilang mag-asawa na ngayon ay pinagpipiyestahan pa rin sa online world.
Sa nasabing kontrobersyal na larawan na nai-screenshot ng ilang netizen, suot ni Daza at French husband nito ang sombrero kung saan may nakaburda na “vaccinated by Pfizer.”
Ang Pfizer na isa sa mga brand ng bakuna laban sa Coronavirus Disease (COVID), ay sinasabing personal choice ng mag-asawa, bagay na umani ng batikos.
Nabatid na si Isabelle at mag-aama nito ay nasa Hong Kong kung saan malaya ang mga residente na mamili sa nais na COVID vaccine.
Para sa mga netizen, naging “insensitive” ang anak ni 1969 Miss Universe Gloria Diaz at posibleng mag-udyok sa mga Pinoy na maging “choosy” sa pagpapabakuna rito sa bansa.