-- Advertisements --

Sinunggaban na umano ni free-agent point guard Isaiah Thomas ang one-year deal sa Washington Wizards.

Ang pagpasok ni Thomas sa Wizards ay kasunod ng pagkawala sa team ni point guard Tomas Satoransky na napunta sa Chicago Bulls para sa tatlong taong kontrata na nagkakahalagang $30-milyon.

Batay sa ulat, nakipagpulong ang two-time NBA All-Star kay Wizards interim general manager Tommy Sheppard nitong Lunes (Martes, Manila time).

Inaasahang pagtatambalin sila ni guard Ish Smith upang magbigay ng karagdagang lalim sa backcourt dahil sa patuoy pa ring nagpapagaling si John Wall mula sa Achilles injury.

Positibo naman si Thomas na makakasabak na ito sa dibdibang ensayo sa kabuuan ng offseason makaraang operahan ito sa balakang na naging dahilan upang hindi ito maging aktibo sa loob ng dalawang summer.

Mayroon lamang average na 8.1 points at 1.9 assists si Thomas sa 15.1 minuto nito kada laro para sa Denver Nuggets noong nakalipas na season.