DAVAO CITY – Kalabuso ang isang dayuhan dahil sa pag aamok, matapos na tanggihan ng babae ang kanyang inaalok na kasal.
Ayon sa Bajada Police Station, inireklamo ang isang Jason J. Dufek, 51 anyos, American Citizen, at residente ng New York United States of America, ito’y mataposna nag amok sa loob ng isang mall sa J.P Laurel Avenue matapos umanong tanggihan ng isang Janitress ang alok nito na magpakasal.
Matapos ang rejection ay puwesto umano ang nasabing dayuhan sa entrance ng mall kung saan, ay kung sinu-sino nalang na babae ang inaanyayahan nitong magpakasal at sunod sunod naman na rejection ang natanggap ng dayuhan.
Sa galit nito ay sinera ng dayuhan ang pinto ng nakaparadang Van.
Hinamon din nito ng suntokan ang security guard ng naturang mall. Maliban pa dito ay sinampal din ng nasabing indibidwal ang police na musita sa kanya.
Hindi pa natapos ang pagwawala ng dayuhan dahil pagkarating sa Bajada Police Station ay binatukan nito ang isa pang pulis sa kasagsagan ng interview para sa blotter.
Sa ngayon ay tulala sa silid ng rehas ang dayuhan at nahaharap ito sa patung-patong na kasong Direct Assault at Disobedience in Person of Authority.