-- Advertisements --
image 486

Hinatulan ng korte sa Colorado, USA ng habambuhay na pagkakakulong nang walang parol ang isang Amerikano matapos napatunayang guilty sa pagpatay sa kanyang asawang Pilipino.

Lumalabas sa talaan ng korte na hanggang ngayon ay hindi pa natatagpuan ang bangkay ng 28-anyos na biktima.

Ang nahatulang Dane Kallungi, 42, ay napatunayang nagkasala ng first-degree murder para sa pagpatay sa kanyang asawang si Jepsy Amaga Kallungi noong 2019.

Gayundin, napatunayang nagkasala rin siya sa korte dahil sa pangingialam sa katawan ng tao.

Noong Marso 2019, naiulat na nawawala ang biktima. Ngunit ang imbestigasyon ng pulisya ay nagpahiwatig na pinatay ni Dane ang kanyang asawa.