-- Advertisements --
Nakatakdang bumagsak sa Pilipinas ang halos isang metro na asteroid.
Ayon sa European Space Agency, na ang asteroid ay masusunog sa atmosphere ng mundo bago bumagsak sa Pilipinas ng 12:46 ng umaga ng Huwebes.
Nadiskubre ng Catalina Sky Survey ang nasabing asteroid na tinawag na CAQTDL2 noong nakaraang dalawang linggo.
HIndi na mabilang kung pang-ilang asteroid na ito na nakita ng tao bago tumama sa mundo.
Pinawi nila ang pangamba na baka makakasakit ito sa mga tao.
Maaring makakita lamang ng mga tao ng fireball o bulalakaw bago ang pagbagsak ng nasabing asteroid.