-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 4136 o Anti-Colorum Operation ang isang babae matapos nahili itong bumiahe gamit ang isang colorum na van kagabi.

Nakilala itong si Irene Mariano Minor, 42-anyos at tubo ng Camiling, Tarlac.

Ayon sa mga otoridad, nahuli si Minor at nakumpiska mula sa kanya ang colorum na sasakyan sa Palispis-Aspiras Highway.

Nalaman ng mga otoridad na nakalagay ang logo ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa windshield ng sasakyan at nalman rin ng mga otoridad na naghahatid si Minor ng mga pasahero sa Pangasinan.

Habang isinasagawa ang operasyon, nabigong ipakita ni Minor ang valid na driver’s license nito at ang certificate na pinapayagan siyang bumiahe bilang public convenience (CPC).

Sa ngayon ay nasa kustudiya-na ng LTO ang nasabing sasakyan at si Minor.

Samantala, nalaman sa imbestigasyon na may operasyon sina Minor ang si Clifford John Carambas ng “van-for-rent” services sa pamamagitan ng paghikayat nila sa mga pasahero sa social media.