-- Advertisements --

Patay ang isang babae matapos sumalpok ang sinasakyan nilang motor sa isang pampasaherong bus sa Taytay Rizal.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-4 ng madaling araw binaybay ng mag-asawa ang kahabaan ng Ortigas Avenue sa Barangay Dolores pagkatapos nilang magmula sa Taytay Market nang bigla silang mabangga ng isang bus na nag-overtake.

Agad namang ikinasawi ng babae ang nangyaring aksidente habang ang kanyang asawa ay nagtamo ng malalang sugat sa kaliwang braso.

Giit ng drayber ng bus na nagpasya siyang mag-overtake sa sinusundan niyang motor kung kaya’t hindi napansin ang biktima na sakay sa kabilang linya.

Samantala, alas-7 ng umaga na inalis ang katawan ng babae sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon, nasa puder na ng pulisya ang drayber ng bus at posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.