-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Ilalagak muna ng ilang araw sa General Santos City ang bangkay ng 10 taong gulang na batang lalake bago dadalhin sa Sarangani Province.

Kuwento Alyas Yet, hindi nito tunay na pangalan at tumatayo ring guardian ng bata, noong Agosto 25 ng kasalukuyang taon ay nagkaroon ng libreng tuli sa Barangay Apopong nitong lungsod na isinagawa ng mga Rural Health Unit workers.

Aniya, hindi naman nila binabantayan ng mahigpit ang sugat ng bata dahil naniniwala ang mga ito na gagaling sa ibinigay na mga gamot.

Ngunit noong Setyembre 8, dinala ang bata sa ospital matapos ang matinding pananakit ng likod at hindi na nito maigalaw ang kanyang panga.

Direktang isinailailim ang bata sa Intensive Care Unit(ICU) ngunit sumapit ang ika-11 ng September ay binawian ito ng buhay matapos umanong na-tetanus.

Sa ngayon patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng City Health Office sa Rural Health Unit na nag-organisa ng aktibidad maging sa nagtatayong guardian ng biktima na posibleng pinagmulan ng tetanus.