-- Advertisements --

NAGA CITY – Isang bahay ang nasunog na nagdulot ng ₱630,000 na danyos dito sa Barangay Jongo, Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Gennilyn, nasa legal na edad, at residente ng Barangay Jongo ng nabanggit na bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, bandang alas-9 ng umaga aniya nagsimula ang sunog sa dalawang palapag na bahay na pag-aari ni alyas Gennilyn.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nagsimula ang sunog dahil sa isang maliit na clip electric fan.

Idineklara ng mga awtoridad na fire out na ang sunog bandang alas-9:30 ng umaga, tatlumpung minuto matapos magsimula ang sunog.

Batay sa kanilang estimate, umabot sa ₱630,000 ang kabuuang pinsala sa bahay.

Wala namang naitalang nasugatan o namatay dahil sa nangyaring sunog.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nangyaring insidente.