Inanunsiyo ng Palasyo Malacañang na nagpahayag ng interes ang isang bangko na pagmamay-ari ng gobyerno ng Japan sa kontroberysal na Maharlika investment Fund na ngayon ay lagda na lamang ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang inaantay.
Ayon sa Malacanang, sinabi ni Japan Bank for International Cooperation (JBIC) Chairman of the Board Tadashi Maeda sa kaniyang courtesy call kay Pangulong Marcos Jr na nais ng grupo na malaman pa ang karagdagang detalye kaugnay sa posible at targeted projects ng bansa sa ilalim ng panukalang sovereign wealth fund.
Sinabi din ng Palasyo na maaaring bumalangkas ang naturang bangko ng mas tangile at partikular na mga panukala.
Inihayag naman ni Pangulong Marcos na ang MIF ay isang uri ng pamumuhunan na kailangan ng Pilipinas.
Ang Japan Bank for International Cooperation (JBIC) ay isang policy-based financial institution na nakapokus sa development ng Japan gayundin sa international economy.
Target din ng naturang kompaniya na makipag-team up sa mga kompaniya sa bansa sa sektor ng enerhiya para sa posibleng mga proyekto.