LAOAG CITY – Matagumpay na naaresto ang isang Barangay Kagawad sa Brgy. Crispina sa bayan ng Banna dito sa Ialawigan ng Ilocos Norte sa pamamagitan ng Anti-illegal Drug Buy-bust Operation sa Brgy. Valenciano sa nasabing bayan.
Ayon kay Police Captain Ashley Cacayorin, Hepe ng Philippine National Police sa bayan ng Banna, nakilala ang suspek na si Ramil Cacao, 36 na anyos, may asawa, jeepney driver at residente ng Brgy. Crispina sa nasabing bayan.
Aniya, inaresto ang suspek matapos itong mahuli na nagbebenta ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.
Nakuha mula sa suspek ang limang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang isang gramo na nagkakahalaga ng P6,800.
Ang suspek ay drug surrenderee noong 2015 at ikinokonsiderang High Value Individual.
Sa ngayon, kasalukuyang nasa kustodiya ng Philippine National Police sa Banna ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.