-- Advertisements --

CEBU – Arestado ang isang barangay kagawad ng Barangay Madua Norte sa Duero, Bohol sa buy-bust operation noong Huwebes ng hapon, Nobyembre 17.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Leandro Bernil Peligro, 40, residente ng Purok 3, Madua Norte at nagsisilbing barangay kagawad.

Itinuturing ng pulisya si Peligro na isang high-value target.

Narekober ng mga operatiba mula sa suspek ang maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.80 gramo at tinatayang nasa Php 5,440 ang halaga base sa SDP.

Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa laban sa suspek.