-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Barangay Villa Concepcion, Cauayan City simula 12:00AM ng August 27, 2020 hanggang 12:00AM ng September 3, 2020 upang magbigay-daan sa isasagawang contact-tracing ng City Health Office.

Ito ay matapos mapag-alamang walang travel history ang nagpositibong si CV674.

Dahil dito hinikayat ng City Government ang lahat ng residente ng Barangay Villa Concepcion na makipagtulungan sa isasagawang contact-tracing at isolation upang mapigilan ang maaaring pagkalat ng virus dulot ng CoViD-19.

Pinaaalalahanan ang lahat ng mamamayan ng Cauayan City na sumunod sa mga health guidelines at protocols na ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.